Top Ads One Liner

Masaya Pag Masikip: Ang Kalokohan sa Bus

Minsan nakadama ako ng pangamba sa bus dahil nung ako ay pababa na eh may humarang sa akin na dalawang lalaki na mukhang maayos naman. Ano ba ang gusto nilang mangyari at ako ay kanilang kinorner? Hindi naman ako mukhang mayaman bagkus ako ay mukhang ordinaryong mamamayan lamang na wala ngang pang-fishball, tuknene o palamig man lang. Alangan naman, may gusto sila sa kin eh hindi naman ako ganung kaguwapuhan pero may nagkakamali. Yun pala, eh may masamang binabalak na nakawan ako sa aking kakaunting salapi. Buti na lang, matapang ako at ako'y nagpumilit na makalabas sabay pagbaba at tumakbo, tae mo!! haha

Pati yung isang kaopisina ko eh nakapagsabi ng ganung experience pero hindi ko alam kung kaaawaan ko o kung ano. Mulat na mulat yung araw nung mga panahong iyon pero sadyang naglipana pa rin ang mga mapangahas na nilalang na to. Wala naman daw siyang napansing di kanais-nais pero nung siya ay pababa na eh sabay may dumukot sa kanyang ano.. sa kanyang bulsa at tangay tangay ang sikat na Nokia 5110 (kung san nagmula ang mga celfon). Sinigawan nya ang mga goons, "Manong!! celfon ko!!" at nagbadyang habulin ang bus pero bago pa ito makaalis ay itinapon sa kanya yung celfon nya at sabay nagtaka, "Bakit nya binigay? Ganon na ba kaluma itong celfon ko at wala ng magkakainteres dito.." Bigla itong nahiya at natatawang kwinento samin.

Ewan ko ba, kung san masikip dun sila gumagawa ng mga kalokohan.

No comments: