Top Ads One Liner

Humanda Para Kay Dalja

Sa mga panahong ako'y nabubugnot at natotoxic galing trabaho, wala akong ibang mapagbalingan kundi ang panonood ng telebisyon. At dahil wala kaming cable, no choice ako na maging Kapuso though okay lang naman maging isa sa kanila. Walang isyu sakin yun, ang importante sakin eh basta ba matutuwa ako sa aking papanoorin.

Sa tuwing ako'y dumarating sa unit, halos palagi ang aking naaabutan ay ang Dalja's Spring. Sa totoo lang, wala naman akong hilig sa mga Koreanobela, o sa kung anu-ano pang nobela. Ngayon lang. heheh

Well, nakakatuwa kasi tong si Dalja, isang 33 years old na matandang dalaga, na parating nag-eekspek. Makulit siya pero sobrang natutuwa ako sa kanya. Ayun, kung dati eh parating umaasa siya, ngayon humanda na daw ang Pilipinas dahil ang pagibig sa pagitan ng ating dakilang Dalja at Philip Khang ay sisibol na. Si Philip Khang naman ay isang bachelor na 27 years old na sa simula ay naging panakip-butas lamang na binabayaran ni Dalja. Maging totohanan kaya ang kanilang pagmamahalan sa huli? Eh natatakot pa naman tong si Dalja na masaktan. Mas gugustuhin nya nga bang maging malungkot? Well humanda na nga lang.

===========================================================
Naalala ko tuloy ang isang kong kaibigan, na hinahanapan yung friend din nya na girl ng 27, single at okay na guy. Hahaha, isang Dalja din ba yan? hehehe..peace..

1 comment:

Eben said...

naks nanonood ka pala sa GMA 7 ardee? hehehe.